MNL48 at ibang Idol Groups, bida sa Coslandia 2019

Markahan na ang kalendaryo dahil ang “Ultimate J Culture Festival” sa Pilipinas, ay paparating na. Sa ikalawang taon nito, muling mamangha sa hatid ng #Coslandia 2019

Sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts, inanunsyo ng HalloHallo Entertainment ang pinakahihintay na Coslandia 2019 na gaganapin ngayong ika-1 hanggang ika-3 ng Nobyembre sa SM Aura Primier sa Taguig City.

Hindi lang mga idol groups at ang idol fandom ang bida sa nasabing pagtitipon, may ilan din silang inihanda para sa mga participants at attendees na mahilig din sa anime, cosplay at e-sports.

Hindi rin mawawala sa Coslandia 2019 ang ilan sa mga guests at performers. Una na riyan ang sikat na idol group sa bansa, ang MNL48. Na sila rin ang kakanta ng official theme song ng Coslandia 2019 at magiging fifth single din nila.

Kasama rin sa mga magpe-perform sa Coslandia 2019 ang ilan sa mga idol groups sa Japan tulad ng ‘Reverse Tokyo’, rock band idol ‘Fairytales’, ‘Gracorex’, at’1-Girls’

Kasama rin ang ilan sa mga tauhan sa pelikulang “Seikimatsu Blue” tulad nila ‘Samero’, Hazuki Tsubasa, Yuasa Michiru na kumanta ng ending theme song na “Hana no Namae”, ang film director ng pelikula na si Tetsuya Hashi, ang manga creator ng Seikimatsu Bluena si Shintaro Hirota  at marami pang iba.

Gaganapin ang Coslandia 2019 ngayong November 1 hanggang November 3 sa SMX Convention Center, SM Aura Premier, Taguig City. Pumunta sa pinakamalapit na SM Tickets outlets sa inyo o bisitahin ang http://www.smtickets.com para makapag-avail ng kanilang Early Bird Ticket Promo.

I-like at i-follow ang kanilang mga social media account para sa iba pang update: 
Facebook/Twitter: @CoslandiaPH
Instagram: @coslandiaph

Pwede rin bisitahin ang kanilang website sa coslandia.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s