After 12 years of bringing tagalized anime dubbed, ABS-CBN’s cable channel HERO TV was ended on it’s broadcast last January 31, 2018. Pinoy anime fans has saddens on that news.. also the Dubbers.
Last year, O’Taco Bites get chance to one-on-one interview with Jefferson Utanes, one of the Filipino Dubbers for Hero TV and voice announcer for it’s showtime, he confirm about the status of HERO TV.
“Yup hanggang jan 31 na lang sila.. hindi na kasi pinapasok ng advertisers kaya nag-decide na ang management”
O’Taco Bites: Is there a chance that YeY will absorb all of the animes from HeroTV and willing to expand the Anime Block on YeY which is All Yey Anime?
“Actually, we have no idea kung i-aabsorb ng yey ang mga anime from hero tv. We are hoping na ganon sana ang mangyari..”
O’Taco Bites: Kamusta po ang Naruto Shippuden? Any updates kung kailan po uli magpapalabas ang ABS-CBN ng new season?
“wala akong balita sa naruto at saka hindi naman ako part ng program na yon.. wala rin kaming balita kung kailan ulit magpapalabas ang abs ng anime.. ang nalaman ko lang, abs will focus on their local soaps”
O’Taco Bites: is that no chance to aired anime titles on main channel?
As of now, yes. Kasi puro movies ang projects ko from abs. At kung may series man, puro korean naman
O’Taco Bites: What’s your happiest memory as one of the dubbers of HEROtv?
Isa sa happiest memory ko sa hero tv nang maging dubbing director ako.. masaya ako na naging bahagi ako ng hero tv for 12 years.. marami akong memories sa kanila lalo na nung nagkaroon ng hero academy at isa ako sa mga mentor ng mga dubbing scholars.. isa pa, kapag may mga event sila, isinasama nila ako para makapagbahagi ng kaalaman at kasiyahan sa mga fans..
O’Taco Bites: Ano ang naging reaksyon mo nung nalaman mo na malapit magsara ang pintuan ng HeroTV na isa sa unique anime channel sa bansa?
Sobrang nalungkot ako nung malaman kong magsasara na sila.. hindi man namin gusto ang desisyon ng mga big boss, wala naman kaming magagawa kung iyon ang sa tingin nila ang tamang gawin para sa network.. about the advertising campaign, sana na-i-push nila yung website ng hero tv at puwedeng mag-subscribe at mag-download para sa team replay.. kasi puro labas ang pera, walang gaanong pumapasok.. hindi tulad ngayon, nagkalat ang anime sa web.. puwedeng ma-download nang libre.. iyon talaga ang pinaka-kalaban.. tapos medyo laos na ang cable dahil digital na tayo, puwede tayong maka-access thru internet.. kaya malaking kawalan iyon sa amin mga voice talents at dubbing directors.. pati Tag tv, magsasara na rin sa dec 31. Kabawasan din yon sa trabaho namin.. nakakalungkot talaga ang nangyayari sa industriya.
O’Taco Bites: Sa pagsasara po ng HeroTV at TagTV, may impact po ba ito sa mga dubbers? Ano po ang mangyayari sa kanila?
Malaki ang impact nito sa amin.. kasi sa dami namin ngayon, hindi namin alam kung saan kami maghahanap nang pagtatrabahuhan.. though lahat naman kami ay freelancer, parang back to basic kami.. maghihintay ng mga pa-audition.. maghihintay ng tawag ng mga producer.. mabuti na lang ako, may regular na showtime as voice over announcer.. then may tmc projects din ako para magbigay ng trabaho sa mga kasamahan ko..
O’Taco Bites: Paano po ba maging isang dubber? at paano mo nalampasan bilang isang beteranong dubber sa larangan ng anime at asian drama?
Sa mga gustong maging dubber or voice talent, live with your dreams.. dream big.. hindi naman masamang mangarap.. kapag may mga pa-workshop tungkol sa dubbing, grab it.. baka d’on kayo ma-discover.. at saka kapag may mga open audition, dapat puntahan mo ‘yon kung gusto mo talagang pasukin ang dubbing industry.. gaya sa akin, sa mga aspiring dubbers, pinagpapasa ko sila ng voice demo.. pinagagawa ko lahat ng kaya nilang gawin mula boses bata hanggang matanda.. 10-15secs each voice.. kung may nagagayang boses, advantage din yon.. advantage din ang pagkakaroon ng background sa acting.. sa akin kasi, tinitingnan ko kung hanggang saan ang range ng boses ng isang aspirant at kung marunong ba siyang umarte.. ina-apply ko kasi ang principle ko na “Voice Acting is Real Acting, Not Just Doing Funny Voices”.
Nalampasan ko ang pagiging dubber or voice talent dahil marunong akong makinig sa mga direktor ko.. pinagbuti ko rin ang craft ko kaya ako tumagal sa larangang ito.. isa pa, tuluy-tuloy dapat ang learning.. hindi ka dapat ma-stuck sa kung anong nalalaman mo ngayon.. dapat matuto kang mag-explore.. go beyond your limits ika nga.. dapat marunong ka ring tumanggap ng kritisismo.. hindi lahat ng ginagawa namin, tama.. bagkus, magsilbi yung hamon para mapagbuti pa ang craft mo.. at saka lahat naman kailangang mag-evolve.. kahit director na ako, marami pa rin akong natututunan.. kailangan marunong makibagay sa sistema.. hindi dapat ipilit ang gusto mo lalo na kung management’s decision yon..
O’Taco Bites: sir mensahe po sa mga fans na walang sawang sumusuporta sa mga Tagalized anime?
Sa mga walang sawang sumusuporta sa tagalized anime, maraming maraming salamat sa pagtangkilik ninyo.. sana magkaroon pa ng pagkakataon ang animé sa bansa natin dahil bahagi na ng kultura natin ang animé.. sana huwag silang magsawa sa aming mga dubber.. at kung may nasasabi man sila sa amin na hindi bagay ang mga boses namin sa bawat character, feel free to criticize para ma-improve pa namin ang craft namin.. though minsan, hindi kami dapat magpadala sa mga critic namin, dahil hindi naman namin kasalanan kung iyon ang binigay sa aming character.. hindi naman lahat ng producer at director, inaalam ang bawat proyekto.. minsan ina-assign lang sa amin ang characters.. kaya please bear with us.. -end quote
He currently dubbed the 2005 anime series ‘doraemon’ which is aired on ABS-CBN TV Plus exclusive channel “Yey” and he also dubbed the upcoming Sinag Animation Studio’s “Kamagong The Animation”.