#FarewellHERO: Alaala ng Masugid na Manonood

Ilang oras na lang at tuluyang nang mamaalam ang isa sa kauna-unahang at natatanging anime channel sa Pilipinas, at ito ay ang HERO TV.

Noon pa man ay isa na ako sa masugid na tagahanga ng HERO TV. Subalit hindi madali ang pagiging loyal viewer kung ang kalaban ko ay pamilya ko  😂 dahil mas nais nila manood sa mga movie channel sa cable. Kaya tuwing gabi na lang ako nanonood at ilan sa mga sinusubaybayan ko noon ay ang Naruto at Inuyasha. Marami na rin ako na napanood na anime sa channel na ito tulad ng Burst Angel, Code-E at Fruit Basket. May ilang beses din na nakikinood ako sa isang karinderya malapit sa high school na pinapasukan ko sa Baguio at doon ako nanonood ng HERO TV habang break time, sinusubaybayan ko tuwing oras na iyan ang My Bride is a Mermaid at Negima!.

Sa pagluwas ko papuntang Maynila ay di ko inaasahan na magiging boring ang pagtira ko doon dahil wala kaming internet at wala rin kaming cable nung mga panahon na iyan. Ilang buwan ang nakalipas ay nagka-cable kami uli sa pamamagitan ng Destiny Cable. Dahil hindi pa available noon ang HERO TV sa DESTINY ay wala na kaming nakuhang balita sa nasabing channel at kung ano na ba ang mga palabas sa nasabing channel. Hindi na rin ako masyadong updated noon dahil sa pag aaral ko. Nung nagtapos ako sa pag-aaral at nagtrabaho ay binalak ko na magpakabit ulit ng cable at nung nakita ko ulit ang HERO TV sa aming TV set, parang bumalik ako sa pagiging weaboo 😂.

Pero seryoso! Nung nabalitaan ko na magpapaalam na ang HERO TV sa ere, hindi ako umiyak o nagwala. Pero sobrang lungkot sa kalooban ko sa nangyari. Una kong inisip ay baka mawawalan ng trabaho ang mga Pinoy dubbers na nagbigay ng oras at panahon para sa mga loyal viewers. Alam natin na di perpekto ang pagkaka-dub nila pero respetuhin natin ang mga pinoy dubbers dahil sila ang nagbibigay boses sa likod ng mga anime character at hindi puro puna at panglalait.

Buhat ng paglago ng teknolohiya at paglawak ng mga tao na nakakagamit ng internet ay inaasahan ko na mangyayari na ito. Parang yung nangyari din sa anime block ng TV5 na “AniMEGA”. Marami sa mga “millennials” na mas nanaising manood ng anime sa internet kaysa sa TV. At dahil dyan, isang araw,isang buwan o isang taon ay di na ako magugulat kung mawala na rin ang ANIMAX o ANIPLUS sa cable, ngunit napaka-imposible pa niyan sa ngayon. Bilang isang masugid na tagahanga ng anime at Pinoy dubbers, mas nanaisin ko pa na suportahan ang mga anime ipapalabas sa Pilipinas. Ngunit di ko rin maikakaila na may ilang beses ako na nanonood sa mga fansub sites dahil di ko mapanood ang mga anime na gusto ko sa TV.

Sa loob ng labingdalawang taon, ang channel na nagbigay sa akin ng kasiyahan ay tuluyan nang mawawala. Maraming salamat po HERO TV sa magandang alaala at hindi ko ito malilimutan kailan pa man. Hanggang sa muli, Paalam Kaibigan. #FarewellHERO.

One Comment Add yours

  1. Wayne Moises says:

    Hero TV channel still the best cable network in the Philippines.

    Like

Leave a Reply to Wayne Moises Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s